2 big time na drug pusher arestado sa Valenzuela City

By Isa Avendaño-Umali July 26, 2018 - 08:21 PM

Arestado ang dalawang lalaki na sinasabing notorious na tulak ng droga sa Valenzuela City.

Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Valenzuela City Police, ang bahay ng mga suspek kaninang pasado alas-singko ng hapon.

Naganap ang paglusob ng mga otoridad sa masikip na eskinita sa Viente Reales, malapit sa Valenzuela Memorial Park.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas John Paul at Bong Tan, na nahuli sa bisa ng warrant of arrest.

Nagkaroon ng surveillance ang mga operatiba ng PDEA laban sa dalawang suspek sa loob ng tatlong linggo.

Unang nilusob ang bahay ni John Paul, kung saan natagpuan siyang natutulog.

Agad nilang isinunod na pinasok ay ang bahay ni Tan.

Patuloy naman ang inventory sa mga nasamsam na ilegal na droga at iba pang nakumpiskang gamit ng mga suspek.

TAGS: bong tan, john paul, PDEA, shabu, valenzuela pnp, bong tan, john paul, PDEA, shabu, valenzuela pnp

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.