Martirez tinanggap ang hamon bilang bagong Ombudsman
Nakarating na kay Supreme Court Associate Justice Samuel Martires ang balitang pagpili sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang susunod na Ombudsman.
Sa maikiling panayam sa telepono kay Martires ng mga mamamahayag, nagpasalamat ito sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Pangulong Duterte.
Itinuturing naman ni Martires na isang bagong hamon ang kanyang bagong posisyon.
Si Martires na kauna unahang appointee ni Pangulong Duterte sa Supreme Court ang nakatakdang pumalit sa nagretirong si Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Bago italaga bilang associate juatice sa Supreme Court, naglingkod si Martires bilang justice ng Sandiganbayan.
Si Martires ay nakatakdang magretiro sa Korte Suprema sa susunod na taon alinsabay sa mandatory retirement age na 70 taong gulang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.