Bangsamoro Organic Law napirmahan na ni Duterte

Inquirer file photo

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte Rodrigo Duterte ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Sa taumpati ng pangulo sa “69th Araw ng Ipil” sa bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay, sinabi ng pangulo na kinakailangan na lamang ng isang seremonya para sa BOL.

Kinakailangan din niyang makausap niya muna si Bangsamoro Transsition Commission Chairman Ghadzali Jaafar at MILF Chairman Al Haj Murad Ibrahim at si MILF founding Chairman Nur Misuari.

Ayon sa pangulo, nagmamakawa siya na maibigay ang kapayapaan sa bansa.

Magugunitang noong Martes ay niratipikahan na ng Kamara ang Bangsamoro Organic Law.

Ang BOL ang papalit sa batas na lumikha sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Read more...