Associate Justice Samuel Martirez itinalaga bilang bagong Ombudsman
Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Supreme Court Associate Justice Samuel Martires ang kanyang napili bilang bagong Ombudsman.
Sa kanyang talumpati sa ika-69 anibersaryo ng bayan ng Ipil sa Zamboanga Sibugay ay inihayag ng pangulo na malaki ang kanyang tiwala kay Martirez na magagampanan nito ang kanyang tungkulin na katuwang ng pamahalaan sa paglaban sa katiwalian.
Bago ang maitalaga sa Supreme Court, ang 69-anyos na si Martires ay dating Associate Justice sa Sandiganbayan.
Kasama rin si Martires sa mga bumoto para mapatalsik sa pwesto si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition.
Graduate si Martires sa San Beda College of Law tulad ni Pangulong Duterte.
Ngayong araw nagtapos ang pitong taong panunungkulan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na itinalaga sa pwesto ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Bukod kay Martires, kasama sa isinumiteng shortlist ng Judicial and Bar Council sina Ombudsman Special Prosecutor Edilberto Sandoval, at Atty. Felito Ramirez.
Iaanunsyo na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susunod na araw ang ipapalit sa nagretirong si Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Ayon kay Presidntial Spokesman Harry Roque, hawak na ngayon ni Pangulong Duterte ang shortlist na isinumite ng Judicial and Bar Council.
Kabilang sa JBC shortlist sina Supreme Court Associate Justice Samuel Martires, Ombudsman Special Prosecutor Edilberto Sandoval, at Atty. Felito Ramirez habang nadiskwalipika naman si Labor Secretary Silvestre Bello III.
Sinabi ni Roque na pinag-aaralang mabuti ng pangulo ang kwalipikasyon ng mga pangalang isinumite sa kanya ng JBC.
Nauna nang sinabi ng pangulo na magiging busy ang susunod na Ombudsman dahil sa dami ng mga dapat nitong kasuhan ng katiwalian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.