U.S Embassy sa Beijing binulabog ng pagsabog

By Den Macaranas July 26, 2018 - 05:02 PM

AP

Isang malakas na pagsabog ang naganap sa labas ng US Embassy sa Beijing, China.

Sa ulat na inilabas ng US Embassy sa China ay kanilang sinabi na pasado ala-una ng hapon, oras sa Beijing nang maganap ang pagsabog malapit sa mataong lugar ng Chaoyang District.

Sa nasabing lugar kadalasang nakapila ang mga kumukuha ng U.S Visa.

Ayon sa kanilang pahayag, “There was one individual who detonated a bomb. Other than the bomber, there were no injuries and there was no damage to embassy property. The local police responded”.

Samantala, sinabi ng mga opisyal ng pulisya sa Beijing na sa kamay lamang nasugatan ang suspek sa pagpapasabog na kinilala lamang sa pangalang Jiang na isang 26-anyos na lalaki na mula sa Mongolia.

Inaalam na rin ng mga otoridad kung miyembro ng teroristang grupo ang nasabing suspek na tanging sa kamay lang naman ang pinsala ayon pa sa mga otoridad.

Kaagad namang inalis ng China sa mga social media ang ulat kaugnay sa nasabing pagsabog.

TAGS: Beijing, bomber, China, social media, U.S Embassy, Beijing, bomber, China, social media, U.S Embassy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.