Carandang pansamantalang uupo bilang Ombudsman
Si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang ang tatayong Acting Ombudsman, habang wala pang naitatalaga si Pangulong Rodrigo Duterte kapalit ni retired Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Ito’y alinsunod na rin sa Ombudsman Act o Republic Act 6770.
Nakasaad sa section 8, article 3 na kapag nagkaroon ng “vacancy” sa Office of the Ombudsman dahil sa pagkasawi, resignation, pagka-alis o permanent disability ng incumbent Ombudsman, ang Overall Deputy ang magsisilbing acting Ombudsman sa “concurrent capacity” hanggang sa maitalaga na ang bagong Ombudsman.
Sakali namang hindi magampanan ng Overall Deputy ang papel o tungkulin bilang Acting Ombudsman, maaaring pumili ang presidente ng Deputy o Special Prosecutor para maging acting Ombudsman.
Si Carandang ay naging laman ng mga balita makaraang paimbestigahan nito ang umano’y kwestyonableng yaman ni Pangulong Duterte.
Umalma ang palasyo dahil sa pekeng bank records daw ng pangulo ang isinapubliko ni Carandang, kaya pinatawan siya ng 90-day suspension.
Ngunit hindi pumayag noon si Morales sa katwirang independent ang Ombudsman at walang saklaw sa anti-graft body ang palasyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.