Bumaba nang dalawang puntos ang net satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations.
Sa kabila nito, nananatili sa “good” ang net satisfaction ni Robredo.
Batay sa survey ng SWS, 54% ng respondents ang nagsabing kuntento sila sa pagtatrabaho ni Robredo habang ang 22% ay hindi kuntento.
Katumbas ito ng +32 net satisfaction rating sa Pangalawang Pangulo, mas mababa ito sa +34 na nakuha niya noong Mayo.
Samantala, nakakuha naman ng “very good” na net satisfaction rating sa +54 si Senate President Vicente Sotto III sa kanyang unang termino.
Nakakuha naman ng “neutral” na +8 net satisfaction rating si dating House Speaker Pantaleon Alvarez.
Nasa +11 na “moderate” net satisfaction rating naman ang nakuha ni Acting Chief Justice Antonio Carpio.
Isinagawa ng SWS ang survey noong June 27 hanggang