Mga panindang baboy sa mga pamilihan ligtas ayon sa BAI
Pinag-iingat ng Bureau of Animal Industry o BAI ang publiko laban sa kumakalat na “fake news” partikular ang balitang nagsasabi na huwag daw kumain ng karne ng baboy dahil sa sakit at tadtad umano ng antibiotic.
Sa isang statement, mariing pinabulaanan ito ng BAI.
Wala rin katotohanan, ayon sa ahensya, ang balitang mayroong apatnapung baboy na namamatay kada araw dahil sa influenza.
Paglilinaw ng BAI, hindi sila naglalabas ng ganoong report sa social media.
Dagdag nito, ang Department of Agriculture ay may mga ahensya at laboratory, at nakikipagtulungan sa mga nag-aalaga ng baboy upang mapanatiling sapat at ligtas ang suplay ng karne.
Apela naman ng BAI sa publiko lalo na sa netizens, huwag agad maniwala sa mga balita na kumakalat sa social networking sites at text messages, at sa halip ay suportahan ang industriya ng paghahayupan sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga lokal na produkto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.