Ulat na isinugod sa ospital si Pangulong Duterte itinanggi ng Malakanyang

By Chona Yu July 26, 2018 - 12:31 PM

Presidential Photo

Fake news.

Ito ang naging paglilinaw ng Malakanyang sa kumakalat na report na isinugod sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pulong balitaan sa Zamboanga Sibugay, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nasa maayos na kalagayan ang pangulo.

Katunayan, sinabi ni Roque na magtutungo ngayong araw si Pangulong Duterte sa Zamboanga Sibugay para dumalo sa ika-69 na Araw ng Ipil.

Sinabi pa ni Roque na isang beses lamang na nagtungo ang pangulo sa Cardinal Santos Memorial Medical Center noong Linggo para sa routine medical check-up, isang araw bago ang kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA).

Ayon kay roque, simula noon, wala nang ibang hospital facility na pinupuntahan ang pangulo.

TAGS: Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.