Tambalang Alden Richards at Yaya Dub muling lumikha ng kasaysayan sa Philippine TV

By Den Macaranas October 24, 2015 - 04:07 PM

Muli na namang lumikha ng kasaysayan sa Philippine TV ang tinaguriang Kalye Serye kung saan ay naka-sentro ang pagta-tanghal sa tambalang Alden Richards and Maine Mendoza o Yaya Dub.

Napuno ng halos ay 50,000 katao ang Philippine Arena kung saan ay ginanap ang show na may titulong “Sa Tamang Panahon”.

Sa pagtatapos ng halos ay apat na oras na commercial-free na show kaninang alas-tres ng hapon ay umabot sa 23.3 Million ang kabuuang tweets gamit ang hastage na #ALDubEBTamangPanahon

pa1
Eat Bulaga photo

 

 

 

 

 

 

 

 

Sa simula pa lamang ay hindi na magkamayaw ang mga manonood lalo na nang ipakilala sina Alden Richards at Yaya dub.

Tulad ng inaasahan ay naging espesyal ang pagpasok ng dalawa sa loob ng Philippine Arena.

Present din sa nasabing bigtime event ang mga mangulang ni Yaya Dub at Tatay ni Alden Richards.

pa13
Eat Bulaga photo

 

 

 

 

 

 

 

Mas lalo pang dumagundong ang kabuuan ng Philippine Arena nang maghawak-kamay sina Alden at Yaya Dub habang umaawit ng “God gave me you”.

pa11
Eat Bulaga photo

 

 

 

 

 

 

 

Hindi napigil nang marami ang maluwa lalo na ng magkayakap na naglakad ang dalawa papunta sa harapan ng stage.

pa8
Eat Bulaga photo

 

 

 

 

 

 

 

 

Pati ang mga opisyal ng Twitter ay nanonood ng nasabing phenomenal show mula sa tahanan ng Eat Bulaga sa Broadway Centrum.

pa6
Eat Bulaga photo

 

 

 

 

 

 

 

 

Sa kabuuan ay naging maayos ang pagtantanghal dahil na rin sa mahigpit na seguridad na inilalatag sa paligid ng Philippine Arena sa Bocaue Bulacan.

p18
Eat Bulaga photo

TAGS: AlDub, eat bulaga, Philippine Arena, AlDub, eat bulaga, Philippine Arena

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.