Palalakasin pa ng Pasig River Rehabilitation Commission’s (PRRC) at ng Los Angeles County Board of Public Works (LACBPW) ang kanilang “Sister River” partnership.
Dumating sa bansa ang commissioner ng LACBPW na si Joel F. Jacinto, at naging panauhing pandangal sa seremonyang idniaos sa PRRC Head Office sa Quezon City.
Ayon kay PRRC Executive Director Jose Antonio E. Goitia, kailangang mapalakas ang “Sister River” partnership upang makatulong sa kanilang hakbangin at programa para sa rehabilitasyon ng Pasig River.
Pagkatapos ng seremonya sa PRRC office, bumisita ang mga opisyal ng PRRC at LACBPW sa ilang ilog at linear parks ng Metro Manila.
Nagkaroon din ng ng walkthrough sa Ermitanyo Creek at San Juan River sa San Juan City at Maytunas creek sa Mandaluyong City.
Binisita rin nila ang Poblacion Linear Park at Guadalupe Nuevo creek sa Makati City at dinalaw ang Pasig Ferry Station sa Guadalupe kung saan nagkaroon ng tour sa Pasig River, mula Guadalupe hanggang Plaza Mexico sa Maynila.
Ang “Sister River” partnership ay pinasok sa pagitan ng PRRC at ng LACBPW para suportahan ang mga hakbangin ng PRRC sa pag-rehabilitate Pasig River.
Sa paglagda ng kasunduan, nagsimula ang palitan ng kaalaman at tulong ng dalawang komunidad sa pagpapaunlad ng Los Angeles at Pasig Rivers, na humaharap sa parehong problema.