65 distressed OFWs mula Dubai, nakauwi na ng bansa

DFA Photo

Nakauwi na ng bansa ang 65 pang Overseas Filipino Workers mula sa United Arab Emirates.

Dahil sa panibagong batch ng umuwing OFWs, umabot na sa halos 1,000 ang bilang ng mga OFW na napauwi sa bansa galing UAE mula noong Enero.

Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa UAE, 969 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na na-repatriate mula UAE. Sa nasabing bilang, 777 ay dati nang nananatili sa embassy shelter habang mayroong 212 na pawang walk-in applicants at nagpahayag ng kagustuhang umuwi.

Pawang “distressed” ang mga napauwing OFW na karamihan ay umalis sa kanilang mga amo.

Sa 65 na huling napauwi, sinabi ni DFA Sec. Alan Peter Cayetano na karamihan ay pawang biktima ng illegal recruitment.

Mayroong 643,000 na Filipinos na naninirahan o nagtatrabaho sa UAE at karamihan sa kanila ay nasa Abu Dhabi at Dubai.

Read more...