DFA Calasiao bukas na muli ngayong araw matapos isara dahil sa pagbaha

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 26, 2018 - 09:42 AM

Matapos na magsara ng apat na araw bunsod ng naranasang pagbaha, bukas na muli ang passport processing service ng Department of Foreign Affairs sa Calasiao, Pangasinan.

Sinuspinde ng DFA ang pagproseso ng passport sa kanilang Consular Office sa Calasiao dahil sa naranasang pagbaha noong nakaraang mga araw.

Sa abiso ng DFA, ang lahat ng naapektuhang aplikante ng passport ay ia-accommodate simula ngayong araw, July 26 hanggang sa July 31, 2018 mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Kabilang dito ang mga may appointment noong July 21, 23, 24 at 25.

Lahat naman ng may appointment ngayong araw, July 26 ay ngayon lamang pwedeng magproseso ayon sa DFA sa tamang oras ng kanilang appointment.

Mula Juy 26 hanggang 31, lilimtihan sa 50 lamang ang tatanggapin sa courtesy lane para mabigyang pagkakataon ang aplikasyonn g mga naapektuhan ng apat na araw na suspensyon ng operasyon.

Pinayuhan ang lahat ng aplikante na dalhin ang lahat ng requirements pagpunta sa DFA office.

TAGS: Calasiao, DFA, pangasinan, Radyo Inquirer, Calasiao, DFA, pangasinan, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.