Mga Pinoy sa LA inabisuhan sa delay na delivery ng consular documents

Inabisuhan ng ng konsulada ng Pilipinas sa Los Angeles sa Amerika ang mga Pinoy doon hinggil sa mararanasang delay sa pagdedeliver ng kanilang consular documents.

Ayon sa abiso, lahat ng may inaasahang delivery ng consular documents ay makararanas ng delay.

Ito ay dahil sa problema sa USPS sa paghahatid ng mga liham at parcel sa Los Angeles.

Sinabi ng konsulada na kasama ang mailing ng consular documents sa apektado ng problema.

Nagsimula ang poblema noon pang July 20 at maaring tumagal hanggang sa katapusan ng buwan.

Read more...