Pang. Duterte hihigpitan ang pagpapadala ng kinatawan sa mga International Conference sa Climate Change

Hihigpitan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapadala ng mga kinatawan sa International Conferences kaugnay sa usapin sa Climate Change.

Sa talumpati ng pangulo sa Asia Pacific Health Islands Conference sa Davao City, sinabi nito na isang kinatawan na lamang mula sa Climate Change Commission ang magiging representative ng Pilipinas

Ayon sa pangulo, nakadidismaya dahil halos lahat ng departamento ay nagpapadala ng kinatawan sa mga Climate Change Conference gayung ni hindi man lang alam kung ano ang definition ng climate at kung paano ito nagbabago.

Sinabi pa ng pangulo na hindi kasing yaman ang Pilipinas sa Great Britain o France na kayang magpadala ng delgasyon sa mga international conference.

Ayon sa pangulo sinumang lalabas ng bansa ay kinakailangan na humingi muna ng permiso mula sa Office of the President.

Una rito sinabi ng pangulo na tatlong secretaries at labinganim na secretaries na ang kanyang sinibak sa puwesto dahil sa madalas na pagbiyahe sa abroad.

Read more...