Pinatay na radio broadcaster sa Albay ililibing na ngayong araw

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 26, 2018 - 08:10 AM

Ihahatid na ngayong araw sa huling hantungan ang radio broadcaster na tinambangan sa Daraga, Albay.

Alas 10:00 ng umaga ang libing ni Joey Llana na pinagbabaril hanggang sa mapatay sa labas ng kaniyang bahay noong nakaraang linggo.

Ayon sa kapatid ni Llana na si Jose Llana, sasabayan nila ng pagsasagawa ng “Walk for Justice” ang libing mula sa bahagi ng Nuestra Señora de la Porteria Parish Church hanggang sa Daraga Catholic Cemetery.

Inaasahan namang darating sa idaraos na misa alas 9:00 ng umaga si Presidential Communications Operations Office Undersecretary Joel Sy Egco.

Sa idinaos na wake mass, Miyerkules ng gabi, pinasalamatan ng pamilya Llana si Albay Bishop Joel Baylon, mga kasamahan sa media ng biktima, kaniyang mga kaibigan at iba pang sumusuporta.

Umabot sa 400 katao ang natungo sa huling lamay ni Llana.

TAGS: ambush, Daraga Albay, joey llana, Media killings, ambush, Daraga Albay, joey llana, Media killings

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.