Construction worker patay sa pamamaril sa Navotas City

By Justinne Punsalang July 26, 2018 - 04:03 AM

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong walang habas na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa kahabaan ng R10 Road na sakop ng Barangay NBBS sa Navotas City.

Kinilala ang biktima na si Jerry Boy Dimaliwat, 33 taong gulang na residente sa lugar at isang construction worker.

Batay sa paunang impormasyon mula sa pulisya, nasa may fish port si Dimaliwat nang ito ay lapitan at pagbabarilin ng dalawang lalaking nakasuot ng face mask.

Agad na tumakas ang mga salarin matapos ang krimen.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente, partikular ang motibo sa pamamaslang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.