Bahay ni Gerald Anderson sa Quezon City nilooban

By Justinne Punsalang July 26, 2018 - 04:36 AM

Arestado ang isang lalaki matapos pasukin ang bahay ng aktor na si Gerald Anderson sa Quezon City.

Kwento ng personal assistant ng aktor, madaling araw kanina nang makita nilang nasa tabi ng sasakyan ni Gerald ang suspek.

Sinita nila ito ngunit kumaripas ito ng takbo, dahilan upang habulin. At nang maabutan ay nakuha mula dito ang sapatos ng aktor at ilang mga tshirt na pag-aari naman ng staff ni Gerald.

Ayon naman sa isang kapitbahay ng Kapamilya actor, nakita niyang pumasok at lumabas ng bahay ni Gerald ang suspek.

Napag-alaman na ang suspek ay anak pala ng dating katiwala ni Gerald.

Samantala, todo-tanggi naman ang suspek at sinabing hindi siya nagnakaw sa bahay ng aktor.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.