K-12 program muling pag-aaralan ng DepEd

Matapos ang dalawang taong implementasyon, muling pag-aaralan ng Department of Education (DepEd) ang implementasyon ng K to 12 program.

Sa pulong balitaan sa Malacañan, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na kailangang mabatid kung nakaagapay ba ang mga estudyante sa mabilis na pagbabago ng mga pangyayari sa lipunan.

“We teach them how to analyze, how to solve problems, how to respond to change and to accept change because by the time they graduate, whatever we have taught them, not all of them, will be applicable – because change is happening so fast,” paliwanag ni Briones.

Mahalaga aniya na maituto sa mga bata ang life skills, paano mag-analyze, at kung paano tutugunan ang iba’t ibang problema.

“It is in dealing with the change that we want our children to gain more, ‘yung tawag natin life skills,” aniya pa.

Pag-aaralan aniya ang curriculum mula kindergarten hanggang grade 12.

Kasabay nito ay hinimok ni Briones ang publiko na tulungan ang DepEd sa pagbibigay ng feedback kung naging maayos o hindi ang implementasyon ng K to 12 program.

Read more...