Pilipinas nakiramay sa Laos matapos bumigay ang isang dam sa bansa

By Alvin Barcelona July 26, 2018 - 02:27 AM

Nagpahayag ang Pilipinas ng kahandaan na tumulong sa bansang Laos makaraang isa sa dam nito ang bumigay na ikinasawi ng hindi pa matukoy na bilang ng tao.

Ang pahayag ay ginawa ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano, kasabay ng pagpaparating ng pakikiramay sa bansang Laos dahil sa trahedya.

Umaasa at ipinagdarasal din ng DFA ang ligtas na recovery sa daan-daan pa na nawawala at naanod na residente ng Laos.

Base sa ulat na nakarating sa Philippine Embassy sa Vientiene nag-collpase ang Xepian-Xe Nam Noy hydropower dam nitong Lunes dahil sa matinding pag-ulan.

Naging dahilan ito para kumawala ang milyun-milyong toneladang tubig sa hindi bababa sa anim na bayan sa Attapeu province.

Nakipag-ugnayan na si Vientiane Ambassador Belinda Ante sa mga miyembro ng Filipino Community sa mga naapektuhang lugar.

Ayon kay Ambassador Ante, sampu lamang mula sa 28 na Pinoy na nakarehistro sa embahada ang nananatili sa lugar pero lahat ng ito ay ligtas at hindi naapektuhan ng pagbaha.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.