Alvarez hiniling kay GMA na sa Lunes na lumipat ng opisina

Personal nang nag-usap sina House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at dating House Speaker Pantaleon Alvarez kahapon ng umaga sa Kamara.

Ayon kay Pampanga 3rd District Representative Aurelio “Dong” Gonzales, siya ang nagsilbing tulay para makapag usap sina Arroyo at Alvarez.

Ipinasabi aniya ni Arroyo sa kanya kay Alavarez na gamitin ang kanyang opisina na katabi lamang ng Speaker’s Office.

Kwento ni Gonzales, pagbalik niya sa tanggapan ni GMA ay tinanong sa kanya ng House Speaker kung nasa tanggapan nito si Alvarez dahilan upang magtungo ang mga ito sa dating lider ng Kamara.

Sa pulong, hindi ‘speaker’ ang tawag ni Alvarez kay Arroyo kundi ‘ma’am’.

Samantala, nakiusap naman ni Alvarez kay Arroyo na kung maaari ay sa Lunes na lamang ito lumipat ng opisina.

Read more...