Cha-Cha usad-pagong sa Senado

By Jan Escosio July 26, 2018 - 12:00 AM

Kuha ni Jan Escosio

Ibinunyag ni Senate President Tito Sotto na wala kahit isang senador ang prayoridad na maisulong ang pagbabago sa Saligang Batas.

Ibinahagi ni Sotto na sa caucus nila, hiningi sa lahat ng senador ang tatlong panukala na kanilang itinuturing na prayoridad at wala sa mga isinumite ang may nakasulat ba Charter Change o Cha-Cha.

Aniya, layon lang ng kanilang ginawa na mapag-isa ang mga priority bills nilang mga senador at saka nila tatalakayin ito sa Mababang Kapulungan at Malacañan.

Sinabi nito na nagkasundo silang lahat na senador na hayaan munang ituloy ng Senate Committee on Constitutional Amendments na pinamumunuan ni Senador Kiko Pangilinan ang isinasagawang pagdinig ukol sa pagbabago sa Saligang Batas.

Dagdag pa ni Sotto, ang isusumiteng committee report ni Pangilinan ang kanilang pag-uusapan nang husto.

Bago magbukas ang sesyon noong Lunes, nakatanggap na ang Senado ng kopya ng Draft Federalism Constitution mula sa binuong ConCom ni Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.