Cha-Cha prayoridad ng Kongreso ayon kay GMA

Nananatiling prayoridad ng Kamara ang Charter Change (Cha-Cha) kahit nakadepende sa Senado kung magko-convene ang Kongreso bilang Constituent Assembly para ipanukala ang mga amyenda sa 1987 Constitution.

Ayon kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, prayoridad pa rin nila ang Cha-Cha at sa ngayon ay tapos na sila sa resolusyon para magkaroon ng Con-Ass.

Tinutukoy ni Arroyo ang House Concurrent Resolution No. 9 na layong i-convene ang Kongreso bilang Con-Ass para ipanukala ang mga pagbabago sa Saligang Batas.

Paliwanag ni Arroyo, kailangan ang dalawang kapulungan ng Kongreso kaya nasa Senado na aniya ang bola ukol sa Cha-Cha.

Pero ang Senado, iginiit na magkaroon ng hiwalay na botohan sa panukalang amyenda sa Konstitusyon.

Una nang napagkasunduan sa caucus ng mga senador na hindi nila madadaliin ang Cha-Cha.

Read more...