Mga senador umiiwas sa pagsusulong ng TRAIN 2

By Len Montaño July 25, 2018 - 08:28 PM

Inquirer file photo

Walang senador na gustong mag-sponsor sa panukalang ikalawang package ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, kaunting senador lamang ang sumusuporta sa TRAIN 2.

Pero tiniyak ni Zubiri na tatalakayin nila ang tax reform law oras na i-transmit ito sa kanila ng Kamara.

Kapag nasa bola na anya ng Senado ang panukalang batas ay magsasagawa sila ng hearings kung saan pagdedebatehan ang mga posibleng epekto ng bagong batas sa buwis.

Una nang sinabi ni Senate Pres. Tito Sotto na matamlay ang kanyang mga kapwa senador na isulong ang TRAIN 2 dahil sa epekto ng TRAIN 1 sa inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at kabiguan ng gobyerno na ipatupad ang tulong sa mga apektado ng bagong tax law.

Sa kanyang ikatlong SONA ay hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na ipasa na ang TRAIN 2 bago matapos ang taon.

TAGS: duterte, SONA, Sotto, Train, zubiri, duterte, SONA, Sotto, Train, zubiri

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.