Ayon kay Castro, handa naman siyang magbigay daan kay Andaya kung siya ang gugustuhin ng nakararaming kongresista.
Sinabi rin nito na bukas siya sa term-sharing kay Andaya pero hindi anya siya ang magpapasya nito kundi ang mga miyembro ng mababang kapulungan.
Idinagdag pa nito na mula ngayon hanggang sa Lunes ay magbobotohan sila upang iluklok ang bagong majority leader kapalit ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas.
Samantala, iginiit naman ni Castro na mahihirapan ang grupo ni House Minority Leader Danilo Suarez na mapanatili ang puwesto dahil alam ng lahat na bumoto ang mga ito para maluklok sa pwesto si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Ipinagtanggol naman nito si Davao City Mayor Sara Duterte sa balitang ito ang nagmanipula para mapatalsik si dating Speaker Pantaleon Alvarez.
Kung totoo anya na si Inday Sara ang nangampanya para kay SPGMA, wala namang masama dahil karapatan ito ng isang mamamayan.