Pinakahuli sa listahan sina Associate Justices Diosdado Peralta at Andres Reyes Jr.
Nauna dito ay nagbigay ng kanyang consent si Associate Justice Lucas Bersamin para mapasama sa mga pagpipilian na hahalili sa pwesto ng pinatalsik na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ipinaliwanag ni Justice Sec. Menardo Guevarra na siyang ex-officio member ng Judicial and Bar Council na otomatikong kasama sa mga pagpipilian ang mga justices ng Supreme Court.
Pero bago ito ay nauna nang nagsabi si Senior Associate Justice Antonio Carpio na hindi siya interesado sa nasabing pwesto.
Kapwa sina Bersamin at Peralta ay bumoto pabor sa pagpapatalsik kay Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition.
Hanggang bukas na lamang, Hulyo 26 tatanggap ng nominasyon ang JBC para sa posisyon bilang Chief Justice.
Ang mga nominado ay isasalang ng JBC sa series of interviews na susundan naman ng pagsusumite nila ng shortlist kay Pangulong Rodrigo Duterte.