IMF: Pilipinas kasama sa listahan ng mga top economic performers
Ang Pilipinas ay kasama sa mga top economic performers sa rehiyon sa mga nakaraang taon dulot ng maayos at kritikal na mga polisiya at reporma ayon sa International Monetary Fund.
Dahil dito, napanatili ng IMF ang 6.7 percent economic growth forecast sa Pilipinas para sa taong ito.
Sa isang briefing na ginawa sa Maynila ngayong araw, sinabi ni IMF Asia and Pacific Division Chief Luis Breuer na makikinabang ang ekonomiya ng Pilipinas mula sa consumer spending at investment, sa pagpalo ng 6.7 percent ng gross domestic product o GDP.
Sinuri ng grupo ni Breuer ang kasalukuyang estado ng ekonomiya mula July 11 hangang 25 taong kasalukuyan.
Ipinaalala naman ni Breuer na may posibleng negatibong epektong ang pagunlad ng economiya tulad ng patuloy na pagtaas ng inflation rate na pumalo ng 5.2 percent nung Hunyo na siyang pinakamabilis sa loob ng limang taon.
Nitong nakaraang linggo bumaba ang halaga ng piso kontra dolyar sa P53.53 na siyang pinakamababa mula pa noong on June 29, 2006 kung saan bumaba ang piso ng P53.55.
Ngunit inaasahan naman ng IMF na mapanatili ng ekonomiya ang rating sa medium term.
Samantala, nag-anunsyo na noon ang gobyerno ng economic growth target na 7 hangang 8 percent mula 2018 hangang 2022.
Sa ilalim ng Build, Build, Build program, plano ng pamahalaan na gumastos ng humigit P8 Trillion hangang 2022, kung saan ang malaking porsyento ay magmumula sa kita mula sa buwis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.