64 OFWs mula Abu Dhabi, UAE balik-Pilipinas

Kuha ni Jan Escosio

Nakabalik na sa Pilipinas ang animnapu’t apat na Overseas Filipino Workers o OFWs na mula sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Sinamantala nila ang libreng pamasahe na alok ng Department of Foreign Affairs o DFA.

Sa abiso ng Media Affairs Division ng Manila International Airport Authority, sakay ang mga OFW ng Philiippine Airlines Flight PR 657.

Sinalubong sila ng mga kinatawan mula sa DFA at Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.

Iba’t iba ang kuwento at dahilan ng OFWs sa pag-uwi nila sa bansa, ngunit marami sa kanila ang tumakas mula sa malulupit na mga amo.

Tatanggap sila ng P20,000 livelihood assistance mula sa gobyerno at libre rin ang pamasahe pag-uwi sa kani-kanilang probinsiya.

Hindi sila mabibigyan ng P5,000 cash assistance dahil hindi naman sila benepisyaryo ng amnesty program.

Nabatid na karamihan sa kanila ay tourist visa lamang ang bitbit nang magtungo sa Abu Dhabi at walo lamang sa kanila ang may pasaporte dahil ang iba ay naiwan sa agency o sa mga tinakasan nilang amo.

 

Read more...