Ikinatuwa ni Presidential Peace Adviser Secretary Jesus Dureza ang pagratipika ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Bangsamoro Organic Law o BOL sa sesyon kahapon.
Ayon kay Dureza, isang hakbang na lamang ang kinakailangan na pagdaananan ng BOL upang maging ganap na batas at ito ay angpagpirma na ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Dureza na dahil sa bagong development ay malapit nang makamit ang matagal nang inaasam na Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao,
Hindi maikakaila, ayon kay Dureza, na may na mahaba at masalimuot ang daang tinahak ng BOL.
Umaasa naman si Dureza na anumang araw mula ngayon ay malalagdaan na ni Presidente Duterte ang BOL.
Matatandaang naantala ang paglagda ng punong ehekutibi sa BOL noong araw ng kanyang State of the Nation Address o SONA dahil sa sigalot sa House speakership sa pagitan nina Representatives Pantaleon Alvarez at Gloria Macapagal-Arroyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.