Magnitude 3.3 na lindol, yumanig sa Davao Occidental
By Isa Avendaño-Umali July 25, 2018 - 08:57 AM
Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang Davao Occidental kaninang 8:15 ng umaga.
Batay sa Philippine Institute of Volcanology at Seismology o Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa isang daan at tatlumpu’t limang (135) kilometro Silangan ng Saranggani.
May lalim ang pagyanig na dalawang kilometro at tectonic ang dahilan.
Sa kabila ng lindol, walang naireport na pagkasira sa mga ari-arian at wala namang inaasahang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.