Lalaki natagpuang patay sa Caloocan City

By Justinne Punsalang July 25, 2018 - 04:22 AM

Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa gilid ng Libis Service Road sa Barangay 161, Caloocan City.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang biktima.

Batay sa paunang impormasyon ng mga otoridad, isang motorista ang nakakita sa bangkay habang binabagtas nito ang Libis Service Road.

Sa una pa nga ay inakala lamang niyang basura ito, ngunit nang makita ang mga paa ng biktima ay agad niya itong itinawag sa mga kawani ng barangay.

Ayon sa mga taga-barangay, hindi residente sa lugar ang lalaki dahil hindi nila kilala ito.

Ayon naman sa mga pulis, posibleng itinapon lamang sa lugar ang bangkay dahil wala umanong narinig na kahina-hinala ang mga residente.

Nang dumating ang SOCO ay nabatid na walang anumang sugat o galos sa katawan ang lalaki.

Narekober naman mula dito ang isang sachet ng hinihinalang shabu.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis tungkol sa insidente at ang pagkakakilanlan ng lalaki.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.