Retiradong Marines patay sa operasyon sa Makati City

By Justinne Punsalang July 25, 2018 - 04:13 AM

Nauwi sa engkwentro ang dalawang magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Makati City.

Kinilala ang isa sa mga nasawing suspek na si Alexander Millado, 45 taong gulang at isang retiradong Marines.

Ayon sa mga otoridad, nagsilibi lamang sila ng warrant laban kay Millado sa Barangay Cembo nang paputukan nito ang mga pulis na silang gumanti naman ng putok na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Samantala, sa Laperal Compound naman sa Barangay Guadalupe Viejo ay nasawi sa ikinasang drug buy bust operation ang dalawang tulak ng droga.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang mga ito.

Ayon sa Makati City Police, nakatunog ang mga ito na pulis ang katransaksyon kaya agad na nagpaputok. Gumanti ng putok ang mga pulis na ikinamatay ng mga suspek.

Narekober ng mga pulis sa lugar ang pitong sachet ng na naglalaman ng hinihinalang shabu, dalawang 9mm na baril, at isang granada.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.