Pagbabago sa PDP-Laban asahan ayon sa isang mambabatas

Tiyak na magkakaroon ng reorganization sa loob ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ngayong si Representative Gloria Macapagal Arroyo na ang House Speaker.

Ito ang sinabi ni Davao City Representative Karlo Nograles sa isang ambush interview isang araw matapos mapatalsik sa pwesto si Pantaleon Alvarez at ipalit dito si Arroyo.

Ayon sa mambabatas, natural na itong pangyayari dahil nalipat ang leadership ng Kamara sa isa ring miyembro ng PDP-Laban.

Ngunit ayon kay PDP-Laban president at Senador Koko Pimentel, ang pagpapalit ng liderato sa partido, maging ang reorganization nito, ay desisyon ng buong partido.

Aniya, hintayin na lamang ang anunsyo ng partido dahil masyado pang mabilis ang mga pangyayari upang magdesisyon na tungkol sa mga bagay-bagay

Read more...