VP Robredo: Pagpapatalsik kay Alvarez bilang House Speaker, wrong timing

By Justinne Punsalang July 25, 2018 - 03:04 AM

VP Leni Robredo Facebook

Tinawag na wrong timing at nakakahiya ni Vice President Leni Robredo ang nangyaring pagpapatalsik kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez at pagluluklok sa pwesto kay Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo sa mismong araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang ambush interview ay sinabi ni Robredo na tila naagawan ng pagkakataon si Pangulong Duterte dahil sa nangyari. Aniya, ang araw na iyon ay nakalaan para sa punong ehekutibo upang magsalita sa harap ng buong Pilipinas ngunit inagaw ng insidente ang atensyon mula sa pangulo.

Ayon pa sa ikalawang pangulo, nakakahiya na makita ng publiko ang pag-aagawan sa posisyon ng mga mambabatas.

Nagbibigay aniya ito ng negatibong imahe na mas inuna pa ang power struggle o pag-aagawan sa pwesto kaysa subukang magkaisa upang masolusyunan ang mga isyung kinakaharap ng bansa.

Samantala, hindi na nagpaunlak ng komento si Robredo tungkol sa pagkakalagay bilang bagong House Speaker ni Arroyo. Aniya, ito ay usapin sa loob ng Kongreso at labas na siya dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.