Nasawi sa hostage taking sa Los Angeles, mismong pulis ang nakabaril

By Justinne Punsalang July 25, 2018 - 12:36 AM

AP

Umamin ang Los Angeles Police Department (LAPD) na isa sa kanilang hanay ang nakabaril sa empleyado ng Trader Joe’s na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Matatandaang kamakailan ay nagkaroon ng hostage at shooting incident sa nasabing supermarket sa California, kung saan isa ang namatay.

Ayon kay LAPD Chief Michel Moore, lumabas sa kanilang imbestigasyon, partikular sa body camera footage na hindi sinasadyang nabaril ng isa sa kanilang mga pulis ang biktimang si Melyda Corado habang tinutugis nila ang suspek sa hostage at shooting incident na si Gene Evin Atkins.

Paliwanag ni Moore, habang tumatakbo si Atkins ay pinaputukan nito ang mga otoridad, dahilan upang gumanti ng putok ang mga pulis.

Ngunit habang tumatakbo papasok sa Trader Joe si Atkins ay sakto namang tumatakbo palabas si Corado, dahilan upang imbes na si Atkins ang mabaril ay si Corado ang tinamaan.

Sa ngayon ay nananatiling nakasara ang supermarket kung saan mayroong isinasagawang memorial para kay Corado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.