Pulis patay sa pamamaril sa Maynila

By Chona Yu, Justinne Punsalang July 25, 2018 - 12:00 AM

Dead on the spot ang isang pulis matapos itong pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang nasawing biktima na si PO2 Joel Padre Juan na nakadistino sa Anti-Crime Unit ng Manila Police District Station 4.

Sa CCTV footage sa lugar, makikita si Padre Juan na nakasakay sa isang motorsiklo at mayroong nakabuntot sa kanyang isa pang motorsiklo.

Hindi namukhaan ang salarin dahil nakasuot ito ng fullface helmet.

Nang mabutan sa panulukan ng mga kalyeng G. Tuazon at Mindoro ay doon na malapitang pinaputukan ng gunman ang pulis.

Dalawang tama ng bala sa ulo at isa sa likod ang tumapos sa buhay ni Padre Juan.

Habang isang sibilyan ang dinaplisan ng bala at agad na isinugod sa ospital.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis tungkol sa pamamaslang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.