No-el scenario pinababasura ng mga senador

By Len Montaño July 25, 2018 - 12:59 AM

Napagkasunduan sa caucus ng mga senador na ibasura ang no election o “no-el” scenario o anumang tangkang kanselahin ang 2019 elections.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, nagkasundo rin ang mayorya at minorya na huwag madaliin ang charter change.

Pero nagkaisa aniya ang mga senador na dapat ituloy ng Senate Committee on Constitutional Amendments na pinamumunuan ni Senador Chiz Escudero ang pagdinig sa Cha-Cha.

Sa tingin ni Recto, karamihan ng mga Senador ay tutol na amyendahan ang Konstitusyon.

Sinabi naman ni Majority Leader Migz Zubiri na ang posisyon nila ay tuloy ang Cha-Cha hearing pero walang utos na madaliin ito.

Magiging mahaba aniya ang debate sa committee level at plenaryo dahil maraming Senador ang ayaw sa Cha-Cha at sa panukalang pagpapalit ng porma ng pamahalaan patungong pederalismo.

Ang desisyon sa naturang dalawang isyu ay kinumpirma rin nina Minority Leader Franklin Drilon at Senador Kiko Pangilinan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.