Magpapaabot ng tulong ang probinsya ng Albay sa mga nasalanta ng bagyong Lando sa Northern at Central Luzon.
Sa pangunguna ni Albay Gov. Joey Salcedo, hindi bababa sa 100 volunteers mula sa probinsya ang tumungo na sa Casiguran, Aurora at sa Nueva Ecija noong Huwebes ng gabi.
Magsasagawa sila ng medical missions at maghahatid ng water filtration machine sa mga nasabing lugar.
Kabilang sa team na sumaklolo sa mga naapektuhan ng bagyong Lando ay mga health workers mula sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital, Albay Health Emergency Management and Provincial Office.
Layunin ng nasabing humanitarian mission ang magbigay ng malinis na inuming tubig at mga gamot para sa mga nakaligtas sa kalamidad.
MOST READ
LATEST STORIES