House Speaker GMA tinawag na strong leader ni Mayor Sara Duterte
Binati ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.
Pero hindi nagkomento si Mayor Duterte ukol sa kudeta sa Kamara na nagpatalsik kay dating Speaker Pantaleon Alvarez at nagluklok kay Arroyo bilang bagong pinuno ng mababang kapulungan.
Bukod sa pagbati ay sinabi ng Alkalde na strong leader si GMA.
Pinalitan ni Arroyo si Alvarez kasabay ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nakuha ni Arroyo ang boto ng 184 na kongresista.
Matatandaan na binatikos ni Mayor Sara si Alvarez dahil sa komento nito sa inilunsad niyang regional party na kaalyado ng ruling PDP-Laban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.