Pagiging Prime Minister ni GMA, ibinabala ng isang senador

Ibinabala ni Senador Panfilo Lacson ang umano’y plano para maging Prime Minister ang bagong House Speaker na si Pampanga Representative Gloria Arroyo.

Ayon kay Lacson, ang kudeta sa Kamara ay kabastusan at isang plot para maibalik si Arroyo sa kapangyarihan bilang Prime Minister.

Sapat aniyang mag-isip ang Kamara dahil sa Senado ay hindi nila hahayaan na maging Prime Minister si GMA.

Babala pa ng senador, pwedeng maging Prime Minister si Arroyo at muli umanong pangunahan ang paghihirap ng bansa.

Si Lacson ay matatandaang kilalang kritiko ng pamilya Arroyo partikular ni dating First Gentleman Atty. Mike Arroyo.

Read more...