Ito ang ibinahagi ni Senate President Tito Sotto kaugnay sa naganap sa House holding area kung saan nanatili pansamantala si Pangulong Duterte nang dumating siya sa Batasang Pambansa Complex.
Sinabi pa ni Sotto na may mga nabitawang salita ang pangulo habang hinihintay na maayos ang sigalot sa pagitan nina Alvarez at Arroyo ngunit tumanggi ang senador na ibahagi ang mga sinabi ng punong ehekutibo.
Dagdag pa nito na ikinunsidera na rin ng pangulo na hindi na ituloy ang kanyang SONA.
Kuwento ng senador nakumbinsi lang ni House Majority Leader Rudy Farinas ang angulo na huwag mag-walk out dahil nakasaad sa Saligang Batas ang kanyang taunang ulat sa bayan.
Nabanggit pa ni FariƱas sa pangulo na kapag ito ay aalis ay magwo-walk out na rin ang mga senador.
Magugunita na higit kalahating oras na naantala ang SONA ni Pangulong Duterte dahil sa kudeta sa Kamara.