Duterte muntik magwalk-out sa sariling SONA

By Jan Escosio July 24, 2018 - 07:55 PM

Dahil sa pag-aagawan ng puwesto nina dating House Speaker Pantaleon Alvarez at Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo, pinagbalakan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ituloy ang kanyang State of the Nation Address (SONA) kahapon.

Ito ang ibinahagi ni Senate President Tito Sotto kaugnay sa naganap sa House holding area kung saan nanatili pansamantala si Pangulong Duterte nang dumating siya sa Batasang Pambansa Complex.

Sinabi pa ni Sotto na may mga nabitawang salita ang pangulo habang hinihintay na maayos ang sigalot sa pagitan nina Alvarez at Arroyo ngunit tumanggi ang senador na ibahagi ang mga sinabi ng punong ehekutibo.

Dagdag pa nito na ikinunsidera na rin ng pangulo na hindi na ituloy ang kanyang SONA.

Kuwento ng senador nakumbinsi lang ni House Majority Leader Rudy Farinas ang angulo na huwag mag-walk out dahil nakasaad sa Saligang Batas ang kanyang taunang ulat sa bayan.

Nabanggit pa ni Fariñas sa pangulo na kapag ito ay aalis ay magwo-walk out na rin ang mga senador.

Magugunita na higit kalahating oras na naantala ang SONA ni Pangulong Duterte dahil sa kudeta sa Kamara.

TAGS: Alvarez, Arroyo, duterte, farinas, SONA, Sotto, walkout, Alvarez, Arroyo, duterte, farinas, SONA, Sotto, walkout

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.