Isabela at La Union, isinailalim na sa state of calamity
Isinailalim na sa state of calamity ang mga probinsya ng Isabela at La Union dahil sa pinsalang idinulot ng bagyong Lando.
Ayon kay Isabela Gov. Faustino Dy III, umabot na sa P800M ang pinsalang natamo ng agrikultura sa kanilang probinsya.
Ang bayan ng Isabela ang sinasabing pinakamatinding naapektuhan ng bagyo sa Region 2 ayon sa Department of Agriculture dahil sa 120,600 na ektaryang palayan ang nasira.
Sinundan naman ito ng Cagayan kung saan 83,000 ektaryang palayan naman ang napinsala.
Habang sa La Union naman ay P280 milyon na ang halaga ng mga nasirang agrikultura dahil sa 7,760 ektaryang taniman na nalubog sa baha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.