Speaker Arroyo tiniyak ang tulong sa mga nasalanta ng bagyo

By Erwin Aguilon July 24, 2018 - 07:00 PM

Inquirer file photo

Tiniyak ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pagtulong ng Kamara sa mga lugar na naapektuhan ng mga kalamidad.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Arroyo na sa kanilang caucus kanina kasama ang mga kaalyadong kongresista, siyam na mga distrito ang inisyal nilang natukoy na apektado ng kalamidad.

Ang mga ito anya ang lubhang nangangailangan ng tulong.

Paliwanag nito, hahanap sila ng paraan upang makapagbigay ng kinakailang ayuda mula sa Kamara.

Samantala, ngayong hapon sinabi ni Speaker Arroyo na nararatipikan nila ang Bangsamoro Organic Law.

Handa na ang BOL para sa lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi pa nito na hindi pa naman sila nakakapag usap ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Kaugnay naman sa rigodon sa Kamara sinabi ni Arroyo na hindi pa nila ito napag uusapan.

TAGS: Alvarez, Arroyo, caucus, duterte, Alvarez, Arroyo, caucus, duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.