Patay sa wildfire sa Greece umakyat na sa 50

AP

Umabot na sa 50 katao ang pinaniniwalaangn patay sa nagpapatuloy na wildfire sa Attica region malapit sa Athen, Greece.

Sinabi ng local Red Cross sa lugar na ito na ang pinaka-malaking sunog sa kasaysayan sa kanilang lugar sa nakalipas na dekada.

Sa kasalukuyan ay 26 na mga bangkay na ang narekober ng mga otoridad sa bayan ng Mali na isang coastal community.

“We will do whatever is humanly possible to control it,” ayon kay Prime Minister Alexis Tsipras na umaapela na rin ng tulong sa international community.

Karamihan sa mga biktima ay sinasabing na-trap sa malaking forest fire sa Hilagang-Silangang bahagi ng Athens.

Ang iba sa mga biktima ay inabutan ng apoy sa loob mismo ng kanilang mga sasakyan ayon pa sa mga ulat.

Umabot na rin sa daan-daang katao ang naitalang sugatan sanhi ng malaking sunog.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Tsipras na marami sa mga sugatan ang palutang-lutang ngayon sa kalapit na karagatan dahil iyun na lamang ang hindi inabot ng malaking sunog.

Pinangangambahan namang tumaas pa ang bilang ng mga casualties dahil sa dami ng mga naiulat na nawawalang mga tao sa lugar.

Read more...