‘Hindi ako ng dahilan ng mga delayed flights’-PNoy

. (AP Photo/Matthias Schrader, File)
Inquirer file photo

Napikon si Pangulong Noynoy Aquino nang makarating sa kanyang kaalaman na ginagawa siyang “excuse” ng ilang airline companies kapag naaabala nag kanilang mga byahe.

Sa kanyang pagsasalita sa 119th General Meeting of the Semiconductor and Electronic Industries in the Philippines (Seipi), sinabi ng pangulo na malinaw ang kanyang direktiba sa Civil Aviation of the Philippines (CAAP) at Manila International Airport Authority (MIAA) na hindi dapat maging matagal ang pagsasara n gating air space sa tuwing siya ay darating o aalis ng palipara sakay ng eroplano.

Bilang Standard Operationg Procedure (SOP), karaniwang isinasara ang air space kapag papalipad o papalapag ang eroplanong sinasakyan ng isang head of state.

Pero sa kanyang direktiba, sinabi ng pangulo na ayaw niyang naaantala ang byahe ng mga pasahero kapag siya’y umaalis o dumarating sa mga airports.

Noong nakaraang araw, sinabi ng pangulo na tumagal lamang ng 15-minutes ang pagsasara ng himpapawid nang mag-takeoff ang sinasakyan niyang eroplano patungo sa Casiguran Aurora.

Sa mga nakaraang International Flights, sinabi ni Aquino na hindi tumatagal sa 20-minutes ang pagsasara ng air space dahil sa kanyang mahigpit na utos na ayaw niyang isisi sa kanya ang mga delayed flights ng ibat-ibang mga airline companies.

Read more...