Negosyanteng Chinese patay matapos barilin ng sekyu dahil sa parking
Patay ang isang negosyanteng Chinese at apat pa iba ang sugatan ng mamamaril ang isang Security Guard sa harapan ng iPacific Residences condominium sa Binondo sa Maynila kahapon ng hapon (July 23) .
Nakilala ang nasawi na si Albert Lee So, 40 taong gulang. Si So ay pumanaw habang nilalapatan ng lunas sa Justice Jose Abad Santos General Hospital bandang 3:39 ng hapon.
Dinala naman sa hindi na pinangalanang ospital ang mga nasugatan na sina Vivian Ilagan,isang security guard, 40 taong gulang; Pinky Loraine Velasco Flores, 7 taong gulang, at kanyang kapatid na si Rosalina Velasco, 10 taong gulang; at Jesse Falcuitin, 34 taong gulang.
Arestado ang namaril na Security Guard na si Jobel Baet ng Fast Link International Security Agency Inc.
Ayon kay Manila Police District Station 11 commander Superintendent Carlito Mantala, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ni Baet at So matapos pumarada ang biktima sa parking space para sa mga residente ng nasabing condominium bandang 2:20 ng hapon.
Sa gitna ng diskusyon at bigla na lang bumunot ng baril si Baet at pinaulanan ng bala si Lee. Tinamaan ng ligaw na bala ang apat pang biktima.
Narekober ng mga pulis ang 9mm pistol na baril na ginamit ni Baet at isang walang bala na magazine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.