Legislative agenda ni Pangulong Duterte isusulong ni Speaker GMA

By Erwin Aguilon July 24, 2018 - 10:55 AM

Ikinararangal ni dating Pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pagpili sa kanya ng mga kapwa kongresista upang maging lider.

Sa isang statement, sinabi ni Speaker GMA na bilang bagong lider ng Kamara kanyang ipagpapatuloy ang legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si GMA ay naluklok sa puwesto matapos makakuha ng 184 na boto sa naging botohan kagabi matapos ang State of then Nation Address ni Duterte.

Wala namang lumalaban kay Arroyo bilang speaker ng mababang kapulungan.

Bago ang naging botohan kagabi una nang inihalal si GMA at pinanumpa sa harap ng mga dadalo sa SONA pero inulit ng mga kongresista ang botohan upang hindi makuwestyon ang legalidd nito.

TAGS: Gloria Macapagal-Arroyo, GMA, legislative agenda, Rodrigo Duterte, Gloria Macapagal-Arroyo, GMA, legislative agenda, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.