Bilang ng pamilyang nagugutom, tumaas sa Metro Manila at MIndanao; bumaba sa Visayas at Luzon

Halos walang nabago sa bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakararanas ng gutom o involuntary hunger, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations.

Batay sa survey na isinagawa noong Hunyo, 9.4% o 2.2 milyong pamilya ang nakaranas ng gutom dahil sa kawalan ng pagkain sa nakalipas na tatlong buwan. Mas mababa ito ng 0.5 puntos sa 9.9% o 2.3 milyong pamilya sa unang quarter ng 2018.

Sa datos na ito, 8.1% o 1.9 milyong pamilya ang nagsabing nakaranas sila ng moderate hunger o makailang beses nagutom habang 1.3% o 294,000 pamilya ang nagsabing nakaranas ng severe hunger o madalas silang nagugutom.

Tumaas nang pitong puntos ang bilang ng pamilyang nagugutom sa Metro Manila, at apat na puntos sa Mindanao. Bumaba naman nang 3.7 puntos ang bilang ng pamilyang nagugutom sa Balance Luzon at Visayas.

Ang naitalang 9.4% na Hunger rate para sa June 2018 ay ang ikatlong pagkakataon na nanatili ito sa single-digit range simula noong March 2004.

Isinagawa ng SWS ang survey noong June 23 hanggang 27 sa 1,200 adults sa iba’t ibamg panig ng bansa.

 

Read more...