Isa patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calamba, Laguna

By Jong Manlapaz July 24, 2018 - 09:34 AM

Magsisilbi lang sana ng warrant of arrest sa 7th Most Wanted Person ang Calamba Laguna PNP ng makipagbarilan ang suspek sa mga pulis sa Barangay Palo Alto sa Calamba City sa Laguna.

Kinilala ang suspek na si Armando Moron na may tatlong bilang ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na pinalabas ng RTC Branch 34 ng Calamba City sa Laguna.

Nakuha sa pangangalaga ni Moron ang isa kalibre .45 na baril at mga bala nito.

Nakuha rin sa napatay na suspek ang black handbag na naglalaman ng magazine para sa kalibre .45, 11 pirasong bala at ilang piraso ng small heat sealed plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu.

 

TAGS: Arrest Warrant, Most wanted, Pulis, suspek, Arrest Warrant, Most wanted, Pulis, suspek

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.